Monday, July 7, 2014

Saging na Saba (Banana) - Halamang Gamot / Herbal Medicine

Scientific name: Musa paradisiaca Linn

Ang saging (Musa paradisiaca Linn) ay isang uri ng prutas na masasabing pinakakilala sa Pilipinas at matatagpuan sa buong bansa. Isa ito sa mga paborito ng mga Pilipino. Ang Pilipinas din ang pang-lima sa pinakamalaking nagluluwas ng saging sa buong mundo. Ito ay tinatawag na tukol ng mga Ilokano, turdan ng mga bisaya, Latunda ng mga Bikolano at Pangasinense, at Saquin a Latondan ng mga Kapampangan.



Ang saging ay madalas na napagkakamalan bilang isang puno ngunit ang totoo, ito ay isang malaking halamang-damo (herb). Bagaman ito ay tumutubo na sa mga bansang tropikal, ito ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.

Ito ay may taas na umaabot hanggang walong metro ngunit ang karaniwan ay mula tatlo hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay malambot, madulas, hugis pahaba at may kulay na berde. Ang bunga naman nito ay may kulay na mula berde hanggang dilaw o pula, at maaaring may haba na umaabot mula 2 ½ hanggang 12 na pulgada.

Ang murang bunga ng saging na saba ay gamot sa pigsa, sa pamamagitan nito lumalambot ang pigsa at nagkakaroon ng mata.

Paraan:
Kumuha ng murang saging na saba, kayurin ito ng pino. Ilagay sa telang ginupit ng pabilog at may maliit na butas sa gitna. Idikit sa pigsa, hayaang matuyo ang saging dahil ito ang magiging daan upang kusang pumutok ang pigsa.

Iba pang gamit
* Ang batang dahon ng saging ay ginagamit para sa pagbebenda ng sugat at ginagamit ding pampahid sa sakit ng ulo.

* Sa naninipis na buhok: Ang dagta ng puno ay ipinapahid sa anit.

* Ang nilutong bulaklak ng saging ay ginagamit naman bilang lunas sa diabetes.

* Ang dagta naman ng bulaklak ay ginagamit para sa pananakit ng tenga.

No comments:

Post a Comment